Huwebes, Hunyo 20, 2013

Araw ng Pag Uha!

Hello Philippines and Hello World!

Kamusta naman? Ako eto pula pa rin ang hasang hehehe...

Kagagaling ko lang sa 5 araw na bakasyon kasama ang A-Z Girls. I hope natandaan nyo kung bakit A-Z. June 14-18 ang trip namin. Nagumpisa kami sa Camiguin tapos CDO, Bukidnon, at Iligan. Maayos ang naging bakasyon namin kahit na inulan ang kamaynilaan. Swerte pa rin namin dahil biniyayaan kami ni haring araw ng kanyang kapangyarihan.

Sa susunod ko ng Post ikukwento ang naging Trip namin dahil gusto ko munang ishare ang nagyari sa mismong araw ng aking pag uha mula sa sinapupunan ng aking ina ngunit 29 yrs ang nakalipas.

11:45PM ng June 17, ako ay nasa lobby ng hotel na pansamantalang naging bahay ko sa loob ng 2 araw. Inaantok na ako dahil pang apat na araw na naming nagpupuyat. Sandamakmak kasi ang mga activity namin. Hindi kaya biro ang mamasyal lalu na't 3 oras kang biyabiyahe papunta sa isang lugar na magtatagal ka lamang ng 1 oras. Hagardo Versoza ang peg ning. Pero dahil sa natatakot akong umakyat at mag stay sa kwarto ng magisa ay pinilit ko na lamang antayin ang sangkabaklaang dumating. Dumating ang alas dose at ako'y binati ng aking mga kaibigan. Inakala kong magiging simple lang ang araw na iyon. Walang surprise cake, walang alak, walang sigarilyo, walang pulutan, wala lang, walang special sa nangyari. Alas dose y medya, natulog na ako at ang iba ko pang kasama. 

6:30 gumising na ang lahat para sa huling araw ng pagliliwaliw. WhiteWater Rafting ang activiting nakahanda sa araw na ito. Dumating ang serbis na isang malaking jeep kasama ang 2 naglalakihang rubber boat na gagamitin namin. Bumiyahe kami na mahigit 45mins at natunton din ang bahay kung saan magsisimula ang pamamangka at paglusong sa mga naglalakasang rapids.

Advanced Rafting ang kinuha namin dahil boring daw ung basic sabi ni Jojie. 8 katao ang lulan ng rubber boat kaya kinailangan namin ng 2. Syempre di mawawala ang mga sandamakmak na pikpakan. 

Dumating ang oras ng pagsubok. Malakas ang kaba ko pro hindi ko ito pinahalata sa mga kaibigan ko. Adventurous akong tao pro takot ako sa tubig! pero teka nais kong malaman nyong hilig kong maligo hehehe.

Itinuro sa amin ang 3 klase ng pagsagwan. Light, Heavy at Back. depende na lamang sa iuutos ng guide kung anong gagamiting stroke. Dumating ang unang Rapid, mild lang ang current ng tubig pro mabilis ang andar ng bangka. Ang lakas ng sigaw ko kada hampas ng tubig kaya humigit kumulang 500ml ang nainom kong tubig sa unang rapid pa lang hahaha. Inferness nawala ang kaba ko at nagenjoy na ako. Ayoko na ngang matapos ang oras na iyon dahil sobrang saya at kakaibang pakirmadam ngunit kumukulo na ang sikmura namin sa gutom. 23 Rapids lahat at humigit kumulang 4 hrs. ang kabuuan ng activity. Safe naman kasi heavy duty lahat ng kagamitan.

Heto ang iilan lamang sa mga pikpak na nais kong ishare. Sa susunod ng post ang full blast pikpakan sa naging Tour namin.



A-Z Girls


look up hahaha

in action







nagkamali kayo ng inakala hindi kami tumaob kaya HIGH5 SEI!!!

eto ang tumaob ang bangka nila Jojie, Mikee at Jojo hahaha



Sa mga susunod ko ng post ipakikita sa inyo ang kabuuan ng Trip na ito. Ang inakala kong malumbay na araw ay naging sobrang saya!!! Naranasan mo na bang kantahan ng happy birthday sa gitna ng rumaragasang ilog, habang nakalubog sa malamig na tubig at habang nasa gitna ng kabundukan? Ang saya db?

Nais kong magpasalamat sa lahat ng kasama ko ng mga oras na iyon. Kay Ate v, Kuya Eduard, Jojie, Jojo, Chaz, Jonil, Mickey at Dano. Naging kakaiba ang kaarawan kong ito dahil sa inyo. Pati na rin kay Peachy kahit umuwi agad hehehe.

Nais ko ring pasalamatan lahat ng bumati sa akin, sa mga kaibigang naiwanan namin ng pnasumandali sa Maynila.

Sa mga magulang at kapatid ko na bumati sakin sa FB at txt messages. Thank you sa inyo lalu na sa Nanay at Tatay ko na walang sawang sunusuporta sa mga kabaliwan ko sa buhay. Alam kong sawa na kayo sa kamalditahan ko pro alam kong Mahal na Mahal nyo ako.

At higit sa Lahat kay Papa Jesus at sa Ama ng lahat dahil kayo ang inspirasyon ko at nagsisilbing lakas upang magampanan ko ang lahat ng dapat kong gawin bilang tao, anak, kaibigan, kapatid at tagasunod ninyo.

Muli salamat at mahal ko kayo... SHOARNA! :D










2 komento:

  1. natatawa ako sa reaction mo sa 4th pic haha!
    wow parang sarap it try nyan ahh!

    TumugonBurahin
  2. Hahahaha winner nga ang reaction mo sa 4th pic mama, kabog!

    Ang saya saya, bet ko din ma try to promise. Belated Happy Birthday, ang saya saya dahil ang saya saya ng naging birthday mo. Labya!

    TumugonBurahin