Huwebes, Hunyo 20, 2013

Araw ng Pag Uha!

Hello Philippines and Hello World!

Kamusta naman? Ako eto pula pa rin ang hasang hehehe...

Kagagaling ko lang sa 5 araw na bakasyon kasama ang A-Z Girls. I hope natandaan nyo kung bakit A-Z. June 14-18 ang trip namin. Nagumpisa kami sa Camiguin tapos CDO, Bukidnon, at Iligan. Maayos ang naging bakasyon namin kahit na inulan ang kamaynilaan. Swerte pa rin namin dahil biniyayaan kami ni haring araw ng kanyang kapangyarihan.

Sa susunod ko ng Post ikukwento ang naging Trip namin dahil gusto ko munang ishare ang nagyari sa mismong araw ng aking pag uha mula sa sinapupunan ng aking ina ngunit 29 yrs ang nakalipas.

11:45PM ng June 17, ako ay nasa lobby ng hotel na pansamantalang naging bahay ko sa loob ng 2 araw. Inaantok na ako dahil pang apat na araw na naming nagpupuyat. Sandamakmak kasi ang mga activity namin. Hindi kaya biro ang mamasyal lalu na't 3 oras kang biyabiyahe papunta sa isang lugar na magtatagal ka lamang ng 1 oras. Hagardo Versoza ang peg ning. Pero dahil sa natatakot akong umakyat at mag stay sa kwarto ng magisa ay pinilit ko na lamang antayin ang sangkabaklaang dumating. Dumating ang alas dose at ako'y binati ng aking mga kaibigan. Inakala kong magiging simple lang ang araw na iyon. Walang surprise cake, walang alak, walang sigarilyo, walang pulutan, wala lang, walang special sa nangyari. Alas dose y medya, natulog na ako at ang iba ko pang kasama. 

6:30 gumising na ang lahat para sa huling araw ng pagliliwaliw. WhiteWater Rafting ang activiting nakahanda sa araw na ito. Dumating ang serbis na isang malaking jeep kasama ang 2 naglalakihang rubber boat na gagamitin namin. Bumiyahe kami na mahigit 45mins at natunton din ang bahay kung saan magsisimula ang pamamangka at paglusong sa mga naglalakasang rapids.

Advanced Rafting ang kinuha namin dahil boring daw ung basic sabi ni Jojie. 8 katao ang lulan ng rubber boat kaya kinailangan namin ng 2. Syempre di mawawala ang mga sandamakmak na pikpakan. 

Dumating ang oras ng pagsubok. Malakas ang kaba ko pro hindi ko ito pinahalata sa mga kaibigan ko. Adventurous akong tao pro takot ako sa tubig! pero teka nais kong malaman nyong hilig kong maligo hehehe.

Itinuro sa amin ang 3 klase ng pagsagwan. Light, Heavy at Back. depende na lamang sa iuutos ng guide kung anong gagamiting stroke. Dumating ang unang Rapid, mild lang ang current ng tubig pro mabilis ang andar ng bangka. Ang lakas ng sigaw ko kada hampas ng tubig kaya humigit kumulang 500ml ang nainom kong tubig sa unang rapid pa lang hahaha. Inferness nawala ang kaba ko at nagenjoy na ako. Ayoko na ngang matapos ang oras na iyon dahil sobrang saya at kakaibang pakirmadam ngunit kumukulo na ang sikmura namin sa gutom. 23 Rapids lahat at humigit kumulang 4 hrs. ang kabuuan ng activity. Safe naman kasi heavy duty lahat ng kagamitan.

Heto ang iilan lamang sa mga pikpak na nais kong ishare. Sa susunod ng post ang full blast pikpakan sa naging Tour namin.



A-Z Girls


look up hahaha

in action







nagkamali kayo ng inakala hindi kami tumaob kaya HIGH5 SEI!!!

eto ang tumaob ang bangka nila Jojie, Mikee at Jojo hahaha



Sa mga susunod ko ng post ipakikita sa inyo ang kabuuan ng Trip na ito. Ang inakala kong malumbay na araw ay naging sobrang saya!!! Naranasan mo na bang kantahan ng happy birthday sa gitna ng rumaragasang ilog, habang nakalubog sa malamig na tubig at habang nasa gitna ng kabundukan? Ang saya db?

Nais kong magpasalamat sa lahat ng kasama ko ng mga oras na iyon. Kay Ate v, Kuya Eduard, Jojie, Jojo, Chaz, Jonil, Mickey at Dano. Naging kakaiba ang kaarawan kong ito dahil sa inyo. Pati na rin kay Peachy kahit umuwi agad hehehe.

Nais ko ring pasalamatan lahat ng bumati sa akin, sa mga kaibigang naiwanan namin ng pnasumandali sa Maynila.

Sa mga magulang at kapatid ko na bumati sakin sa FB at txt messages. Thank you sa inyo lalu na sa Nanay at Tatay ko na walang sawang sunusuporta sa mga kabaliwan ko sa buhay. Alam kong sawa na kayo sa kamalditahan ko pro alam kong Mahal na Mahal nyo ako.

At higit sa Lahat kay Papa Jesus at sa Ama ng lahat dahil kayo ang inspirasyon ko at nagsisilbing lakas upang magampanan ko ang lahat ng dapat kong gawin bilang tao, anak, kaibigan, kapatid at tagasunod ninyo.

Muli salamat at mahal ko kayo... SHOARNA! :D










Martes, Hunyo 11, 2013

LSS



You're My

Funny valentine

Sweet comic valentine
You make me smile with my heart
Your looks are laughable
Unphotographable
Yet you're my favorite work of art

Is your figure less than greek
Is your mouth a little weak
When you open it to speak
Are you smart? 

But don't change a hair for me
Not if you care for me
Stay little valentine stay
Each day is valentines day

Is your figure less than greek
Is your mouth a little weak
When you open it to speak
Are you smart? 

But don't you change one hair for me
Not if you care for me
Stay little valentine stay
Each day is valentines day



up until now ay LSS pa rin ako sa kantang yan! am i gonna meet my funny valentine real soon? valentine na lang wag na yung funny :)

enjoy the song.... :)

PS
Amber Holcomb Version is my Favorite!

Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Anik Anik Shoarna!


Hello Philippines and Hello World!

What's up Ketchup?

Waley lang. Bet ko lang mag #Throwback ng mga halu-halong kempet sa buhay  ko. Namiss ko lang tignan ang mga larawang kupas sa ketay ko hehehe kaya eto  na!

Lets Start!

Unang Kempet ay ang Pampanga Trip namin ng mga College Super Friends ko 2 yrs. ago. Binisita namin ang Dyosa naming friend na pakarat hahaha keme! Fiesta din kasi kaya pumunta na kami at matagal na rin siya nag iinvite ng mga bwisita kaya heto fly me to the moon agad ang eksena namin.



ayan ang star cast Madz, Alfer, Jovie at Ako

syempre hindi kumpleto pag walang inuman

so dahil Fiesta nga ay may sayawan sa katabing Plaza kung san naghanap kami ng Talents!


Nauso din noong mga panahon na iyon ang High Fashion Modeling na kung saan ay binigyan din namin ng sarili naming versions hehehe




Madz in Sa Bukid Walang Papel

King in Tabing Ilog

Mas bagay pala sakin ang Sa Bukid Walang Papel

at ang paborito kong si Jovie in Vizconde Massacre hahaha

si Alfer naman nag-inaso ayaw sumama mainit daw un pala ganito kakapal ang muk ap at ayaw humulas hahaha


so ayan na nga ang mga ibang kaganapan sa aming Pampanga Trip. Masaya! Napakaraming pagkain. Alam naman nating lahat na kilala ang mga Kapampanagan pagdating sa pagluluto! Namiss ko ang ganap na ito!


Isa din sa masarap balikan ay ang Birthday Celebration ko 2yrs. ago din. Napakamemorable ng Bday ko na ito dahil cinelebrate ko ito 7 days before my bday at noong araw mismo ng bday ko ay nag abay ako sa Kasal sa Batangas sa isa rin sa aking super friend sa PLM PEP Squad na si Gayzel. May Live Band ang celebration ko noon dahil Fiesta samin ng June 12 kaya June 11 pa lang ay nagcelebrate na ko samin sa kadahilanan din kasal nga ni Gayzel sa araw mismo ng bday ko. Ang kulit nyo ha! Biruin mo Kasal nya habang bday ko at bday ko habang kasal nya, kaloka! So we were in Batangas a night before the Wedding and t'was a super funny moment sa amin ng mga Cheer Leaders kasi nung gabing yun ay ang celebration ng Traditional Wedding Dance bago ikasal. Halos lahat ay nagsabit ng pera sa kanilang mga kasuotan. Unang tinawag ay ang grupo namin na hindi alam ang gagawin dahil hindi na masyadong uso sa Maynila ang ganyang tradisyon so napagkasunduan ng grupo na magbigay ng tig 100 at gawin itong sash. Nakalikom kami ng halos 2000 so ang ganda tignan sa ikakasal kasi sakto at hindi mukang tinipid haha. Pagkatapos ay tinawag na ang mga barkada ni Glenn. Siya nga pala ang napangasawa ni Gayzel at sila ang may ari ng bahay na tinuluyan namin sa Batangas. Naloka na lang kami sa mga ibinigay ng barkada sa ikakasal. Sabi ng announcer " mula kay Paolo (walang kasiguraduhan sa pangalan) ang Best Friend ni Glenn 5000 at 3 Baboy!" huuuuuwaaaaaaat! May baboy na ibinigay! so nagtuloy tuloy na nga ang pagbigay ng mga regalo at halos lahat ay hindi bababa sa 3000 ang ibinigay na regalo. Naka 121k ang magasawa at take note 8 BABOY ang nakuha nila na ginamit din para sa handaan sa kasal kinabukasan. Party-party na ang sumunod at ang mga barkadang lalake ni Glenn ay kinaibigan naman namin.

Sa araw mismo ng kasal na kaarawan ko rin ay maagang nagsipag gising ang lahat upang maghanda. Abay ako at ang 3 pa naming kaibigan. Kakaiba ang kasal na hindi ko na muna ikwekwento dahil tinatamad na ko hahaha pero ito ang pinaka dabest na seremonya ng kasal na napuntahan ko! Iba talaga! pagtapos ng kasal ay ang kainan at ang mga tradisyon na programa sa isang kasal. Matapos ang selebrasyon ay naginuman na kami at sinurprise naman nila ko ng isang slice ng cake ngunit ang mas matinding surpresa na ikinaloka ko ay ang pag ulan ng bonggang bongga! 

BABALA! paumanhin sa ibang mga litrato medyo maaga nalasing ang photographer hehehe

June 11 Kempets

My TAPC Family


My PLM PEP Family


at ang kabaliwan ng lahat





taga samin si Frenchie Dy









June 18 Kempets


PLM PEP Family with the Bride (sa tabi nung lalaking naka cup, hindi yung may malaking bulaklak sa balikat ha hehehe)

so alam nyo na!

the couple Glenn and Gayzel

in action!

i miss you all so much!

ang gabi ng 8 Baboy LOL!

the not so NEWLY Wed. hehehe


ang BDay pagtapos ng Kasal


ganda ni Fern db! aka Youkie Yukura





so ayan na! SHOARNA! sa ibang mga araw ko na lang daragdagan ang Anik Anik Shoarna! post ko nahahagardo versoza na akey hehehe...

till next time :)


Lunes, Hunyo 3, 2013

Kabuwanan!


Hello Philippines and Hello World!

Ano Na!

48 yrs. na ang lumipas the last time i posted something.

Well, bell, cell, dwell, its my month and i really cant wait for the surprises that may come along before i reach my 29 yrs. of existence hehehe.

I will be spending my birthday in Camiguin and CDO with the A-Z girls (A-Z kasi nagumpisa kami ng Anawangin then Boracay ngayon Camiguin and so on and so forth gets? hehehe) which for me is one of the best set of beckys ever! Hopefully mag-email na rin sana ang kinuha naming Tour na magdadala rin samin sa Bukidnon, Iligan, ang pinaka excited kong puntahan ang Divine Mercy Shrine, Del Monte Farm at marami pang iba. Masarap sila kasama kasi walang KJ. Ang trip nga namin pagmagkakasama ay magangilan ng magangilan. Iisipin mong nagaaway-away na kami kung hindi mo kami kilala. Minsan nga kahit sa bahay pag ganyan kami akala ng iba eh nagaaway na kami. 


Presenting! the A-Z Girls

From Left to Right in their AKA

Jaya (eating hotdog) - Lovi Poe
Mikee (in peace sign) - Marian Rivera
Jojie (behind Jaya in pouty lips/full mouth LOL) - Angelica Panganiban
Edrick (in red shades) - Heart Evangelista
Allan - Gretchen Barretto
Jhonel - Iza Calzado
Eduard - Dawn Zulueta
Jonil - Denise Laurel
Me - Angel Locsin
Jojo - Kristine Reyes

not in picture

Ramil - Ate V
Chaz - Georgina Wilson

and a whole lot more depende na lang samin kung pasok ka sa circle of stars!

Ganda ng mga friends ko db? San ka pa? hahaha. Star Studded lagi ang celebration ng birthday ko dahil sa kanila. Kulang pa nga yan eh kasi wala pa dyan ang mga extended friends namin. Mga simpleng mamamayan lang kasi sila, hindi sila Stars tulad namin hahaha.

Sa mga gustong makilala ako ng lubusan, eto ang 18 lamang sa mga Facts tungkol sa akin. 18 dahil June 18 ang Bday ko hehehe.


1. i love to EAT!!!
2. Bet key mag walkaton ng uraurada!!!
3. Lasinggero ako!!!
4. I love to play Volleyball but it doesnt like me
5. Betchina kiz ng Beef Picadillo, nyoma ba nyispelling kik?
6. Si Mariah Carey ang paborito kong Female Singer!!!
7. Next to Mariah is Beyonce!!!
8. Ker na ker kong Sumayaw!!!
9. Ayoko ng LUYA parang awa nyo na!!!!! grrrrrrrrrr...
10. Im snob at home (as in sa loob ng bahay)
11. Best in Lakwatsa akeybam!!!
12. Iyakin ako pag may nakikita akong umiiyak na lalakeng character sa mga pinanonood ko hehehe!!!
13. Im almost Bald huhuhu!!!
14. Bet na bet ko ang nyo-em sa workaton namin hahaha
15. Nacho Chips and paborito kong sitsirya

16. It's not obvious but I'm a religious person
17. Bukod sa kapanganakan ko, Pasko at Bagong Taon ang pinaka paborito kong piyesta opisyal
18.i have 2 BDays June 18 and 19. WHY? kasi nung pagkapanganak ko ay akala ng nanay ko June 19 na eh hindi naman pala June 18 pa lang at exactly 1:09AM. Kaloka sa dami sigurong anesthesia na naiturok sa kanya akala nya 19 na. Nalaman ko na lang na June 18 pala ang BDay ko nung papasok na ako ng kolehiyo.


Arte pa ba ako sa dalawang bday? ang saya kaya kasi may chance pang bumati sakin lahat ng hindi nakabati sa unang araw ng kaarawan ko hahaha.

Hindi lang yan ang Bonus kasi kaarawan din ng ating Pambansang Bayani na si Dra. ay Dr. Jose Rizal pala hehehe. 

Foundation Day din ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kung saan ako nagkolehiyo. Yung tipong unang araw ng klase namin ay Foundation Day agad! ang saya db!

Noong Yr. 806 naman ay inatake ng Swedish Vikings ang Constantinople CHARlotte hahaha

I really cant thank enough all the people who bring out the best in me. Specially my family whose been with me through good times and bad times. And to our Lord above for being my strength, for loving me and for giving me a bunch of people that will help me face all the challenges and lessons in life.

Hindi pa ko nagthathank you sa mga babati sakin sa kaarawan ko ha. Wala lang may maishare lang db!

Shoarna!