Lunes, Abril 29, 2013

Basty's 1st Birthday


Hello Philippines and Hello World!

Kamustasa Kalabasa ni Minorca Papaya?

Bago ko umpisahan ang kwentong bayan ay nais ko munang sabihin na nakakaadik palang magblog o dahil sa bago pa lang ako? Eneber?

Anyways, i wanna share to all of you the 1st Birthday Celebration of our cute "Pamangkin sa Pinsan". His name is Basty. His Birthday is April 29, 2012. Held @McDonalds Sta. Cruz (in front of Sta. Cruz Church). If i'm not mistaken, there were a total of 63 Kids and 66 Adults who attended the Party. And t'was a BLAST!!!


eto sya oh (cute nya db! eto nga pla ung souvenir sa lahat ng pumunta)

Pro syempre walang Basty kung wala ang mga Proud Peyrents na sina Ate Annalyn and Kuya Rowell


Ate in Pink and Kuya in Custard (obvious naman siguro db hehehe)
at nabalitaan kong nag CRYing girl of Manaoag pa si ate kahahanap ng katernong short ng shirt nya
pro hindi niya nahanap kaya may slight talak siya kay kuya (palibhasa marami kang damit! bili ka ng bili!) 
Ate alangan namang humingi ng damit. Eneber! hahaha :P

So dahil asa Pilipinas tayo at uso ang Filipino Time ay inilagay sa invitation na 3:00PM ang Party pro ang katotohanan ay 3:30PM pa ito. Syempre inanticipate ng Auntie nyo ang ganung Eksena Mae Saison kaya dumating ako ng 3:45PM. Aba eh ang 15min. travel time mula sa Bahay papunta sa McDo ay naging 30-40mins.dahil sa bultu-bultong bato na nakakalat along Sta. Cruz Circle dahil sa pag bubungkal ng kalsada ng Maynilad.

Nagumpisa ang Party ng past 4 kasi nga asa Pilipinas tayo. Traditional Birthday Party. May games for the Kids (na hindi pinipilit ang mga batang sumali) at meron din sa Thunder Cats (matatanda)(na hindi rin pinipilit sumali).

After ng mga games ay ang peyborit part ko na. Ang EATING Time

pero mas peyborit ata ni Mikee

sige lapang pa!!!

ano dinasalan mo pa last subo na yan teh!

Pagkatapos ng Lafurkan (kainan) ay ang Blowing Bubbles of Cake na, as in ung cake ha hindi ung candle hahaha with Confetti efek pa!

Cake from Cute Mia and Gorgeous Mika

ayan walang ginawa ang mga bagets kundi mag swimming sa Confetti

pabitin


pabitin with a Twist of Gawgaw hahaha

onti ng gawgaw db

GiveAways

at ang pinakahihintay ng lahat, ang pagiyak ni Basty dahil kay Grimace at Hamburglar (hindi ko siya nkunan super dance kasi ng Gangnam)

natapos na din ang party na may ngiti sa mga labi at lungkot sa bulsa ng nagpaparty hahaha
(si jessie nga pla ung naka blue ang Head ng McDo Philippines CHARlotte!!! Siya ang may Contacts sa venue kasi sa McDo siya nagwowork for 14 yrs. in a row. and he's now a Manager)

ayan hindi na alam ang gagawin sa taas ng bill!

kahit si Leah hindi na rin alam ang gagawin tapos bigla pang tumingin sa glass window hinahanap si Crispin at Basilio wahahaha

picture picture din pag may time

Alam mo na ang kasunod. Bukasan na ng regalo at panood ng Video.

ayan umiyak tuloy si Basty kasi Mommy nya ang nagoopen

ang daming gifts pasabog! lalo na ang Cash!!!

Video Time

It was 7:30PM when i got home to sleep kasi may orsok pa ng 12 midnight!

Im sure Ate and Kuya would like to thank everyone who share their time and effort to celebrate Basty's 1st Birthday!!!

Happy Birthday Inaanak! I Love You :)

PS

sensya na sa mga pikpakboom. nangangapa pa Auntie nyo baka baguhan lang :P


*********************************************************************************













Biyernes, Abril 26, 2013

FIRST!!!



Hello Philippines and Hello World!

Sa Kauna-unahang pagkakataon ay masasabi ko na sa aking sarili at sa buong mundo na isa na akong BLOGGER (WAPAK!!!)


Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayonn. Saya, kaba, takot, saging, pinipig, gulaman, kaong at marami pang iba hahaha. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, siguro natatakot ako na baka hindi ako maging epektibong blogger pero susubukan ng Black Powers ko ang lahat.


Nais ko lang pasalamatan si Zai at Joanne sa pagmulat sa akin sa mga ganitong anik anik sa buhay. Infairview eh natutuwa naman akong basahin ang mga blogs nila.


Nais kong magpakilala sa sarili kong mga salita.


Ako ang nawawalang kaklase nyo! ako si Valerie CHARlotte.


Ang mga bituin ay gabay lamang, meron tayong freewill gamitin natin ito. Zenaida Zeva hahaha.


Ako ang iyong Konsensya LOL!


Seriously, eto ang description sa akin ng kaibigan ko:


si CARLO, CARL, BARONESA ang tipo ng taong laging masaya at magpasaya at magpangiti ng kapwa...madaling pakisamahan...hilig niya ang kumain lalo na ang mga pagkaing matatamis tulad ng mga kakanin at ang paborito niyang puto maya...hilig niya rin sabihin ang mga katagang 'nagdidiet ako e' pro kung tutuusin sa dami ng kinakain nya araw araw e mukang diet nga siya talaga (peace tayo)...mahal niya kami..mahal niya ang mga kaibigan niya...mahal niya ang pamilya niya...mahal niya ang taong magmamahal s kanya at sana dumating na ang taong iyon...marunong siyang sumayaw at umawit (kuno)(peace ulit tayo)...isa rin siya sa pinakamaliksing taong kilala ko (grabe kahit s badminton e sobra siya)...ayaw naman niya ang mga taong plastic at mga taong mahilig magsalita ng hindi maganda laban sa kanya, sa mga kaibigan at higit s lahat s pamilya niya ngunit hindi naman niya ito masyadong pinapansin...sabi nga niya 'papanget lang ako kung papansinin ko sila'...Aanga-anga din pla sya LOL!!! napakaraming bagay pa ang nais ko sanang ibahagi ngunit kulang ang isang buong taon para isa-isahin ko...kung nais niyong malaman ang iba pang katangian niya e puntahan niyo siya sa bahay niya at ayain siyang maginuman... ;-) 

nagmamahal, 




********************************************************************************************