Biyernes, Abril 26, 2013

FIRST!!!



Hello Philippines and Hello World!

Sa Kauna-unahang pagkakataon ay masasabi ko na sa aking sarili at sa buong mundo na isa na akong BLOGGER (WAPAK!!!)


Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayonn. Saya, kaba, takot, saging, pinipig, gulaman, kaong at marami pang iba hahaha. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, siguro natatakot ako na baka hindi ako maging epektibong blogger pero susubukan ng Black Powers ko ang lahat.


Nais ko lang pasalamatan si Zai at Joanne sa pagmulat sa akin sa mga ganitong anik anik sa buhay. Infairview eh natutuwa naman akong basahin ang mga blogs nila.


Nais kong magpakilala sa sarili kong mga salita.


Ako ang nawawalang kaklase nyo! ako si Valerie CHARlotte.


Ang mga bituin ay gabay lamang, meron tayong freewill gamitin natin ito. Zenaida Zeva hahaha.


Ako ang iyong Konsensya LOL!


Seriously, eto ang description sa akin ng kaibigan ko:


si CARLO, CARL, BARONESA ang tipo ng taong laging masaya at magpasaya at magpangiti ng kapwa...madaling pakisamahan...hilig niya ang kumain lalo na ang mga pagkaing matatamis tulad ng mga kakanin at ang paborito niyang puto maya...hilig niya rin sabihin ang mga katagang 'nagdidiet ako e' pro kung tutuusin sa dami ng kinakain nya araw araw e mukang diet nga siya talaga (peace tayo)...mahal niya kami..mahal niya ang mga kaibigan niya...mahal niya ang pamilya niya...mahal niya ang taong magmamahal s kanya at sana dumating na ang taong iyon...marunong siyang sumayaw at umawit (kuno)(peace ulit tayo)...isa rin siya sa pinakamaliksing taong kilala ko (grabe kahit s badminton e sobra siya)...ayaw naman niya ang mga taong plastic at mga taong mahilig magsalita ng hindi maganda laban sa kanya, sa mga kaibigan at higit s lahat s pamilya niya ngunit hindi naman niya ito masyadong pinapansin...sabi nga niya 'papanget lang ako kung papansinin ko sila'...Aanga-anga din pla sya LOL!!! napakaraming bagay pa ang nais ko sanang ibahagi ngunit kulang ang isang buong taon para isa-isahin ko...kung nais niyong malaman ang iba pang katangian niya e puntahan niyo siya sa bahay niya at ayain siyang maginuman... ;-) 

nagmamahal, 




********************************************************************************************











8 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. Perfect first post Mama Carl, perfect ang pagpapakilala sayo ni Mam Charo. Kung may dadagdag lang ako - ikaw lang ang kilala kong may memorize ang linya sa halos lahat ng classic Pinoy movies at pinaka masayang kakwentuhan ng kung ano anong kabaliwan :)

    Welcome sa bloggers world, pag patuloy mo ha :)

    TumugonBurahin
  3. Kamusta naman si Ate Charo teh? haha.. Perfect ang welcome post! Bakit hindi nabanggit na fav mo si Mariah?? At favorite story mo yung about sa "tungkalo"? Haha.. So happy na umabot na sa blogging ang kabaliwan mo, more power and more posts! Mwah.

    TumugonBurahin
  4. Salamat Zai at Joanne...more kempets to come :P

    TumugonBurahin
  5. Welcome:) and nice to met you sa PBO event:) following you now:)

    TumugonBurahin
  6. ay wait..di ko makita ang follow button sa site mo:(

    TumugonBurahin
  7. yun oh! ayan may blog ka na rin.. excited ako sa mga kwento mo lalo na yung tungkol sa tungkalo hahaha... nice to meet you sa PBO event and I hope to know you more... tara inuman! haha char! ;)

    welcome sa blogging :)

    TumugonBurahin