Martes, Hulyo 23, 2013

Anik Anik Shoarna! Part2

Hello Philippines and Hello World!

Musta naman ang biglang ulan at araw na panahon natin dyan mga suke?

Kalowka lang db? 

Last Sunday ay natuloy na din ang Fun Run for A Cause ng aming site. Held at the CCP Complex which was attended by our site, Cainta and the rest of the Metro Manila sites like Novaliches, Roxas and Makati. Run in Sync ang title ng event at kada site ay may adopted school kung saan part ng registration ay mapupunta rito. Ang target ay 10k per site. Marik Elementary School ang adopted school ng Teletech Cainta and if im not mistaken, we were able to donate PhP14k which is not bad. 



ganda ng Singlet ngayon kesa last year

Bib and a Free Baller Band

Lhye and Mai



so kahit nag wawarm up na eh picture pa din


with JP

ayan start na ng Run "Takbo Vilma Dali" (movie ni vilma santos haha) pero pikpak pa din




at may pagpatid na naganap kaya buhol buhol din


at natapos din ang 5k run





we did it! with Dave





so ano ba talaga ang tinitignan natin Mai?


ah ang CCP pala hehehe...dami tumatakbo ang saya


and we ate at Traders Hotel Latitude Restaurant wearng my PBO shirt :)




Medyo konti lang ang naka-attend dahil na rin sa di mapintang panahon at sa sobrang delay ng event pero masaya lalo na ang pagkain namin na hindi na kami nakapagpicture kakakain. Eat all you can ang peg so sabihin na nating 200cal ang naburbn namin, 10000cal naman ang nakain namin hahaha.



Mga ilang Linggo na rin ang nakalipas mula ng gumimik ako sa Hyve, The Fort kasama sina Alfer, Paul and Aaron at sa di inaasahang pagkakataon ay may nakita akong hindi ko inaasahan hahaha. Pero mamaya na ang kwento na yan.

PhP600 ang entrance sa bar consumable to a cocktail drink or 2 local beers pero dahil makapangyarihan, libre kaming apat.


the fab lobby lights

ayan ang stub to get the drink

i <3 Vodka7 kaya yun ang kinuha ko then the other guys had JDCola

Aaron and Paul

with Charice ay Alfer pala LOL!

So after a couple of rounds ng cocktail, Aaron decided to get a half bottle of Hennessy and a pitcher of cola. Surprisingly, it lasted for about an hour only so he get another full bottle of the same brand plus 4 shots of Patron Tequila with coffee. Orange for our pika-pika, yosi and a wide variety of trans and house music. 




At lasing na nga ako ng 3:30AM pero nang dahil sa isang mabilis na pangyayari ay nawala ang lahat ng kalasingan ko. Yung tipong babagsak at gagapang na ko sa kalasingan. Ikaw bang uminom ng ganyan karami db? Ayun na nga, ang kaganapang hindi ko inaasahan. Habang sumasayaw kami ni Alfer ay may biglang dumaang kay raming Guard at pinatatabi kami. Nakapwesto kami malapit sa Cocktail Bar so medyo makipot ang space. Sa sobrang kalasingan ko ay tinalakan ko pa ang guard. Sabi ko "hay naku may dadaan nanaman na artista". Hindi ko inaasahang isang matipunong lalake pala ang daraan. I was like, why are you so obsessed with me boy i wanna know (kumanta ba hehehe). 

Habang papalapit na siya samin ay pilit kong minumukhaan ang lalakeng kay kisig. Saktong asa harapan ko na ang lalake at kinalabit ko ng bongga sa braso. Ay inday i'm telling you tinalo ko si Toni Gonzaga sa pagsigaw ng "I Love You PIOLOOOOOOO" pero hindi si Piolo ang nakita ko. Believe it or not, si "LEE MIN HO aka Gu Jun Pyo ng Boys Over Flower, ang korean version ng Meteor Garden.

 So pagkakalabit ko sa kanya ay sumigaw lang naman ako ng "Lee Min Ho, aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" at di na ko magkanda ugaga sa pagtakbo habang sinisundan ko siya. Halos mag padala na nga ako ng ambulansya sa kausap ko sa ketay na  si Baby Faye (bet niya din si Min Ho kaya siya ang una kong tinawagan).Ayun, wala pa atang isang minuto ang pangyayari pero nawala talaga ang lasing ko kaya inom ulit hahaha. 

Isa pala sa sponsor ng concert niya noong gabing din iyon ang Hyve kaya nagdecide sila na dun mag dinner ayon sa isa sa mga waiters ng Bar. Kaya pala ang daming nagsasayawang mga koreano na nakasandio at shorts lang eh yun pala ang mga back up Dancers niya. Walang kaalam alam ang lahat na andun sila sa isa sa mga VIP Room. Kaloka lang at hindi ko siya nakunan ng picture sa bilis ng pangyayari :(

inom ulit hanggang 5AM

JD from the block before going home

the wild, crazy and super bagets crowd


T'was one memorable experience sobra!!!! Pares and hot soup after, pantanggal amats.



Milo Night sa office at ang lahat ay pinuno ang tumbler. Buti na lang at hindi agaran ang epekto ng Milo kundi mangangamoy basura ang kubeta hahaha.



mustanaman Mai ang baligtad na Milo hahaha



Kanina naman ay Koko Krunch Night.

SC, Mai and Lhye


Joanne, Zai, i forgot hehehe and Reiz


So ayan na muna mga kanguso...

til next time :)













Miyerkules, Hulyo 10, 2013

LSS Part 2

medyo luma na pero nakakaindak pa din... hope you like it :)



"Happiness"
Alexis Jordan


Mmm mmm mmm mmm
Mmm mmm mmm mmm
Mmm mmm mmm mmm
Mmm mmm mmm mmm

I gotta turn this car around
I never should have left you there
Boy this traffic is making me sick
Boy I can't wait to have you near

I gotta hurry hurry hurry
Now quick quick quick
Just step on the gas cause I don't wanna miss this
This opportunity will only come once in my life, my life

I gotta hurry hurry hurry
Now quick quick quick
Just step on the gas cause I don't wanna miss this
See what your bringin me boy is priceless
I gotta be out of my mind not to try this

Through strength I found love
In time I found myself in happiness with you
Through strength I found love
In time I found myself in happiness with you

Mmm mmm mmm mmm 
Mmm mmm mmm mmm
Mmm mmm mmm mmm
Mmm mmm mmm mmm

Boy I need to say what's in my heart
I was scared but I'll do my part
I came back to tell you face to face
So what we have won't go to waste

I gotta hurry hurry hurry
Now quick quick quick
Just step on the gas cause I don't wanna miss this
This opportunity will only come once in my life, my life Yeah

Sorry sorry sorry I'm coming down to fix this
You should know how I feel I know I got you twisted
See what your bringin me boy is priceless
I gotta be out of my mind not to try this

Through strength I found love
In time I found myself in happiness with you
Through strength I found love
In time I found myself in happiness with you

The things that you can give to me
I can feel it when your holding me close
You're like your one of the world wonders
I know I'm going under
Come see that I'm ready for this
And you're so good for me
You're my true joy
You make me wanna say

Mmm mmm mmm mmm 
Mmm mmm mmm mmm
Mmm mmm mmm mmm
Mmm mmm mmm mmm

Through strength I found love
In time I found myself in happiness with you
Through strength I found love
In time I found myself in happiness with you

Huwebes, Hunyo 20, 2013

Araw ng Pag Uha!

Hello Philippines and Hello World!

Kamusta naman? Ako eto pula pa rin ang hasang hehehe...

Kagagaling ko lang sa 5 araw na bakasyon kasama ang A-Z Girls. I hope natandaan nyo kung bakit A-Z. June 14-18 ang trip namin. Nagumpisa kami sa Camiguin tapos CDO, Bukidnon, at Iligan. Maayos ang naging bakasyon namin kahit na inulan ang kamaynilaan. Swerte pa rin namin dahil biniyayaan kami ni haring araw ng kanyang kapangyarihan.

Sa susunod ko ng Post ikukwento ang naging Trip namin dahil gusto ko munang ishare ang nagyari sa mismong araw ng aking pag uha mula sa sinapupunan ng aking ina ngunit 29 yrs ang nakalipas.

11:45PM ng June 17, ako ay nasa lobby ng hotel na pansamantalang naging bahay ko sa loob ng 2 araw. Inaantok na ako dahil pang apat na araw na naming nagpupuyat. Sandamakmak kasi ang mga activity namin. Hindi kaya biro ang mamasyal lalu na't 3 oras kang biyabiyahe papunta sa isang lugar na magtatagal ka lamang ng 1 oras. Hagardo Versoza ang peg ning. Pero dahil sa natatakot akong umakyat at mag stay sa kwarto ng magisa ay pinilit ko na lamang antayin ang sangkabaklaang dumating. Dumating ang alas dose at ako'y binati ng aking mga kaibigan. Inakala kong magiging simple lang ang araw na iyon. Walang surprise cake, walang alak, walang sigarilyo, walang pulutan, wala lang, walang special sa nangyari. Alas dose y medya, natulog na ako at ang iba ko pang kasama. 

6:30 gumising na ang lahat para sa huling araw ng pagliliwaliw. WhiteWater Rafting ang activiting nakahanda sa araw na ito. Dumating ang serbis na isang malaking jeep kasama ang 2 naglalakihang rubber boat na gagamitin namin. Bumiyahe kami na mahigit 45mins at natunton din ang bahay kung saan magsisimula ang pamamangka at paglusong sa mga naglalakasang rapids.

Advanced Rafting ang kinuha namin dahil boring daw ung basic sabi ni Jojie. 8 katao ang lulan ng rubber boat kaya kinailangan namin ng 2. Syempre di mawawala ang mga sandamakmak na pikpakan. 

Dumating ang oras ng pagsubok. Malakas ang kaba ko pro hindi ko ito pinahalata sa mga kaibigan ko. Adventurous akong tao pro takot ako sa tubig! pero teka nais kong malaman nyong hilig kong maligo hehehe.

Itinuro sa amin ang 3 klase ng pagsagwan. Light, Heavy at Back. depende na lamang sa iuutos ng guide kung anong gagamiting stroke. Dumating ang unang Rapid, mild lang ang current ng tubig pro mabilis ang andar ng bangka. Ang lakas ng sigaw ko kada hampas ng tubig kaya humigit kumulang 500ml ang nainom kong tubig sa unang rapid pa lang hahaha. Inferness nawala ang kaba ko at nagenjoy na ako. Ayoko na ngang matapos ang oras na iyon dahil sobrang saya at kakaibang pakirmadam ngunit kumukulo na ang sikmura namin sa gutom. 23 Rapids lahat at humigit kumulang 4 hrs. ang kabuuan ng activity. Safe naman kasi heavy duty lahat ng kagamitan.

Heto ang iilan lamang sa mga pikpak na nais kong ishare. Sa susunod ng post ang full blast pikpakan sa naging Tour namin.



A-Z Girls


look up hahaha

in action







nagkamali kayo ng inakala hindi kami tumaob kaya HIGH5 SEI!!!

eto ang tumaob ang bangka nila Jojie, Mikee at Jojo hahaha



Sa mga susunod ko ng post ipakikita sa inyo ang kabuuan ng Trip na ito. Ang inakala kong malumbay na araw ay naging sobrang saya!!! Naranasan mo na bang kantahan ng happy birthday sa gitna ng rumaragasang ilog, habang nakalubog sa malamig na tubig at habang nasa gitna ng kabundukan? Ang saya db?

Nais kong magpasalamat sa lahat ng kasama ko ng mga oras na iyon. Kay Ate v, Kuya Eduard, Jojie, Jojo, Chaz, Jonil, Mickey at Dano. Naging kakaiba ang kaarawan kong ito dahil sa inyo. Pati na rin kay Peachy kahit umuwi agad hehehe.

Nais ko ring pasalamatan lahat ng bumati sa akin, sa mga kaibigang naiwanan namin ng pnasumandali sa Maynila.

Sa mga magulang at kapatid ko na bumati sakin sa FB at txt messages. Thank you sa inyo lalu na sa Nanay at Tatay ko na walang sawang sunusuporta sa mga kabaliwan ko sa buhay. Alam kong sawa na kayo sa kamalditahan ko pro alam kong Mahal na Mahal nyo ako.

At higit sa Lahat kay Papa Jesus at sa Ama ng lahat dahil kayo ang inspirasyon ko at nagsisilbing lakas upang magampanan ko ang lahat ng dapat kong gawin bilang tao, anak, kaibigan, kapatid at tagasunod ninyo.

Muli salamat at mahal ko kayo... SHOARNA! :D